1
Salmo 19:14
Ang Salita ng Diyos
ASD
Nawaʼy maging kalugod-lugod sa inyo PANGINOON ang aking iniisip at sinasabi. Kayo, ang aking batong kanlungan at tagapagligtas!
Paghambingin
I-explore Salmo 19:14
2
Salmo 19:7
Ang kautusan ng PANGINOON ay walang kamalian. Itoʼy nagbibigay sa atin ng bagong kalakasan. Ang mga turo ng PANGINOON ay mapagkakatiwalaan, at nagbibigay karunungan sa mga kulang sa kaalaman.
I-explore Salmo 19:7
3
Salmo 19:1
Ipinapakita ng kalangitan ang kaluwalhatian ng Diyos! Inihahayag ng kalawakan ang gawa ng kanyang mga kamay.
I-explore Salmo 19:1
4
Salmo 19:8
Ang mga tuntunin ng PANGINOON ay tama at sa pusoʼy nagbibigay kagalakan. Ang mga utos ng PANGINOON ay malinaw at nagbibigay-liwanag sa kaisipan.
I-explore Salmo 19:8
5
Salmo 19:9
Ang pagkatakot sa PANGINOON ay nagpapadalisay ng puso; mananatili ito magpakailanman. Ang mga utos ng PANGINOON ay matuwid at makatarungan.
I-explore Salmo 19:9