1
1 Mga Hari 17:14
Magandang Balita Biblia (2005)
Sapagkat ganito ang sabi ni Yahweh, Diyos ng Israel: Hindi ninyo mauubos ang harina sa lalagyan, at hindi rin matutuyo ang langis sa tapayan hanggang hindi sumasapit ang takdang araw na papatakin na ni Yahweh ang ulan.”
Paghambingin
I-explore 1 Mga Hari 17:14
2
1 Mga Hari 17:1
Si Elias ay isang propetang taga-Tisbe sa Gilead. Sinabi niya kay Ahab, “Saksi si Yahweh, ang buháy na Diyos ng Israel na aking pinaglilingkuran, hindi uulan, ni hindi magkakahamog sa mga darating na taon hangga't hindi ko sinasabi.”
I-explore 1 Mga Hari 17:1
3
1 Mga Hari 17:13
Sinabi sa kanya ni Elias, “Huwag kang mag-alala. Pumunta ka na at gawin mo ang iyong sinabi. Ngunit ipagluto mo muna ako ng isang maliit na tinapay, at pagkatapos magluto ka ng para sa inyo.
I-explore 1 Mga Hari 17:13
4
1 Mga Hari 17:12
Sumagot ang babae, “Saksi si Yahweh, ang inyong buháy na Diyos na wala na kaming tinapay. Mayroon pa kaming kaunting harina at ilang patak na langis. Namumulot nga ako ng panggatong upang lutuin iyon at makakain man lamang kami ng anak ko bago kami mamatay.”
I-explore 1 Mga Hari 17:12
5
1 Mga Hari 17:9
“Umalis ka rito. Pumunta ka sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. May inutusan akong isang biyuda na magpapakain sa iyo roon.”
I-explore 1 Mga Hari 17:9
6
1 Mga Hari 17:16
Hindi nga naubos ang harina sa lalagyan, at hindi rin natuyo ang langis sa sisidlan, tulad ng sinabi ni Yahweh sa pamamagitan ni Elias.
I-explore 1 Mga Hari 17:16
7
1 Mga Hari 17:15
Ginawa nga ng babae ang utos ni Elias at hindi naubos ang pagkain ni Elias at ng mag-ina sa loob ng maraming araw.
I-explore 1 Mga Hari 17:15
8
1 Mga Hari 17:10
Pumunta nga siya roon, at nang papasok na siya ng pintuan ng lunsod, nakita niya ang biyuda na namumulot ng panggatong. Sinabi niya sa babae, “Maaari po bang makiinom?”
I-explore 1 Mga Hari 17:10
9
1 Mga Hari 17:4
Maiinom mo ang tubig sa batis at may inutusan akong mga uwak na maghahatid sa iyo ng pagkain.”
I-explore 1 Mga Hari 17:4
10
1 Mga Hari 17:11
Aalis na ang babae upang ikuha siya ng tubig nang pahabol niyang sabihin, “Kung maaari, bigyan mo na rin ako ng kapirasong tinapay.”
I-explore 1 Mga Hari 17:11
11
1 Mga Hari 17:6
Umaga't hapon, may mga uwak na nagdadala sa kanya ng pagkain, at sa batis naman siya umiinom.
I-explore 1 Mga Hari 17:6
12
1 Mga Hari 17:7
Ngunit dumating ang panahon na natuyo na rin ang batis.
I-explore 1 Mga Hari 17:7
13
1 Mga Hari 17:24
At sumagot ang babae, “Tiyak ko na ngayon na kayo nga ay isang lingkod ng Diyos, at nagsasalita si Yahweh sa pamamagitan ninyo.”
I-explore 1 Mga Hari 17:24
14
1 Mga Hari 17:5
Sinunod nga ni Elias ang sinabi ni Yahweh. Lumakad siya at nanirahan sa may batis ng Carit, sa silangan ng Jordan.
I-explore 1 Mga Hari 17:5
15
1 Mga Hari 17:22
Dininig ni Yahweh ang dalangin ni Elias at muling nabuhay ang bata.
I-explore 1 Mga Hari 17:22
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas