1
2 Mga Taga-Corinto 4:18
Magandang Balita Biblia (2005)
Kaya't ang paningin namin ay nakatuon sa mga bagay na di-nakikita, at hindi sa mga bagay na nakikita. Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan ang mga bagay na di-nakikita.
Paghambingin
I-explore 2 Mga Taga-Corinto 4:18
2
2 Mga Taga-Corinto 4:16-17
Kaya't hindi kami nasisiraan ng loob kahit na humihina ang aming katawang-lupa; patuloy namang lumalakas ang aming espiritu araw-araw. Ang bahagya at panandaliang kapighatiang dinaranas namin ngayon ay magbubunga ng kagalakang walang hanggan at walang katulad.
I-explore 2 Mga Taga-Corinto 4:16-17
3
2 Mga Taga-Corinto 4:8-9
Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit di kami nalulupig. Kung minsa'y nababagabag kami, ngunit di nawawalan ng pag-asa. Inuusig kami, ngunit hindi kami pinababayaan ng Panginoon. Napapabagsak kami, ngunit di tuluyang napapatay.
I-explore 2 Mga Taga-Corinto 4:8-9
4
2 Mga Taga-Corinto 4:7
Ngunit kaming pinagkalooban ng kayamanang espirituwal na ito ay hamak na sisidlan lamang tulad ng mga palayok, upang ipakilalang ang dakilang kapangyarihang ito ay sa Diyos, at hindi sa amin.
I-explore 2 Mga Taga-Corinto 4:7
5
2 Mga Taga-Corinto 4:4
Hindi sila sumasampalataya sapagkat ang kanilang isip ay binulag ng diyos ng kasamaan sa daigdig na ito, upang hindi nila makita ang liwanag ng Magandang Balita tungkol sa kaluwalhatian ni Cristo na siyang larawan ng Diyos.
I-explore 2 Mga Taga-Corinto 4:4
6
2 Mga Taga-Corinto 4:6
Sapagkat ang Diyos na nagsabing, “Mula sa kadiliman ay sisilang ang liwanag,” ay siya ring nagbigay liwanag sa aming isip upang makilala namin ang kaluwalhatian ng Diyos na nahahayag sa mukha ni Cristo.
I-explore 2 Mga Taga-Corinto 4:6
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas