1
Ang Mangangaral 3:1
Magandang Balita Biblia (2005)
Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras.
Paghambingin
I-explore Ang Mangangaral 3:1
2
Ang Mangangaral 3:2-3
Ang panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay; ang panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbunot ng tanim. Ang panahon ng pagpatay at panahon ng pagpapagaling; ang panahon ng paggiba at panahon ng pagtatayo.
I-explore Ang Mangangaral 3:2-3
3
Ang Mangangaral 3:4-5
Ang panahon ng pagluha at panahon ng pagtawa; ang panahon ng pagluluksa at panahon ng pagdiriwang. Ang panahon ng pagkakalat ng mga bato at panahon ng pagtitipon sa mga ito; ang panahon ng pagyayakap at panahon ng paglalayo.
I-explore Ang Mangangaral 3:4-5
4
Ang Mangangaral 3:7-8
Ang panahon ng pagpunit at panahon ng pagtahi; ang panahon ng pagtahimik at panahon ng pagsasalita. Ang panahon ng pagmamahal at panahon ng pagkapoot; ang panahon ng digmaan at panahon ng kapayapaan.
I-explore Ang Mangangaral 3:7-8
5
Ang Mangangaral 3:6
Ang panahon ng paghahanap at panahon ng pagkawala niyon; ang panahon ng pag-iingat sa isang bagay at panahon ng pagtatapon.
I-explore Ang Mangangaral 3:6
6
Ang Mangangaral 3:14
Alam kong mamamalagi ang lahat ng ginawa ng Diyos: wala nang kailangang idagdag, wala ring dapat bawasin. Gayon ang ginawa ng Diyos upang ang tao'y magkaroon ng takot sa kanya.
I-explore Ang Mangangaral 3:14
7
Ang Mangangaral 3:17
Sa loob-loob ko'y hahatulan ng Diyos ang masama at ang mabuti pagkat may itinakda siyang panahon para sa lahat ng bagay.
I-explore Ang Mangangaral 3:17
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas