1
Santiago 1:2-3
Magandang Balita Biblia (2005)
Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok.
Paghambingin
I-explore Santiago 1:2-3
2
Santiago 1:5
Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay ng sagana at di nanunumbat.
I-explore Santiago 1:5
3
Santiago 1:19
Mga kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pagsasalita at huwag agad magagalit.
I-explore Santiago 1:19
4
Santiago 1:4
At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang.
I-explore Santiago 1:4
5
Santiago 1:22
Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito'y pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili.
I-explore Santiago 1:22
6
Santiago 1:12
Mapalad ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos siyang subukin, tatanggap siya ng gantimpala ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya.
I-explore Santiago 1:12
7
Santiago 1:17
Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagpapakita ng bahagya mang pagbabago.
I-explore Santiago 1:17
8
Santiago 1:23-24
Sapagkat ang nakikinig ng salita ngunit hindi sumusunod dito ay katulad ng isang taong tumingin sa salamin, at pagkatapos tingnang mabuti ang sarili ay umalis at kinakalimutan ang kanyang hitsura.
I-explore Santiago 1:23-24
9
Santiago 1:27
Ang pagiging relihiyoso na dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ang pagtulong sa mga ulila at sa mga biyuda sa kanilang kahirapan, at pag-iingat sa sarili upang huwag mahawa sa kasamaan ng mundong ito.
I-explore Santiago 1:27
10
Santiago 1:13-14
Huwag sabihin ninuman na tinutukso siya ng Diyos kapag siya'y dumaranas ng pagsubok, sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso at hindi rin naman niya tinutukso ang kahit sino. Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling nasa.
I-explore Santiago 1:13-14
11
Santiago 1:9
Dapat magalak ang mahirap na kapatid kapag siya'y itinataas ng Diyos
I-explore Santiago 1:9
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas