1
Mga Kawikaan 15:1
Magandang Balita Biblia (2005)
Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugong marahas, poot ay hindi mawawaglit.
Paghambingin
I-explore Mga Kawikaan 15:1
2
Mga Kawikaan 15:33
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagtuturo ng karunungan, at ang pagpapakumbaba ay nagbubunga ng karangalan.
I-explore Mga Kawikaan 15:33
3
Mga Kawikaan 15:4
Ang magiliw na salita ay nagpapasigla sa buhay, ngunit ang matalas na pangungusap ay masakit sa kalooban.
I-explore Mga Kawikaan 15:4
4
Mga Kawikaan 15:22
Ang isang balak na mabilis ay di papakinabangan, ngunit ang planong pinag-aralan ay magtatagumpay.
I-explore Mga Kawikaan 15:22
5
Mga Kawikaan 15:13
Ang taong masayahin ay laging nakangiti, ngunit ang may lumbay ay wari bang nakangiwi.
I-explore Mga Kawikaan 15:13
6
Mga Kawikaan 15:3
Ang paningin ni Yahweh ay nakatuon sa lahat ng lugar, ang masama at mabuti ay pawang minamasdan.
I-explore Mga Kawikaan 15:3
7
Mga Kawikaan 15:16
Ang mahirap na gumagalang at sumusunod kay Yahweh, ay mas mainam kaysa mayamang panay hirap naman ang kalooban.
I-explore Mga Kawikaan 15:16
8
Mga Kawikaan 15:18
Ang mainit na ulo ay humahantong sa alitan, ngunit pumapayapa sa kaguluhan ang mahinahong isipan.
I-explore Mga Kawikaan 15:18
9
Mga Kawikaan 15:28
Tinitimbang ng matuwid kung ano ang sasabihin, ngunit di na iniisip ng masama ang kanyang sasalitain.
I-explore Mga Kawikaan 15:28
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas