1
Mga Taga-Roma 2:3-4
Magandang Balita Biblia (2005)
Akala mo ba'y makakaiwas ka sa parusa ng Diyos kung hahatulan mo ang mga gumagawa ng masasamang gawaing ginagawa mo rin naman? O baka naman gusto mo pang hamakin ang Diyos dahil siya ay napakabait, mapagpigil at mapagpaumanhin! Hindi mo ba alam na napakabuti ng Diyos kaya binibigyan ka niya ng pagkakataong magsisi at tumalikod sa kasalanan?
Paghambingin
I-explore Mga Taga-Roma 2:3-4
2
Mga Taga-Roma 2:1
Kaya nga, sino ka mang humahatol sa iba, wala kang maidadahilan. Sapagkat sa paghatol mo sa iba, hinahatulan mo rin ang iyong sarili, dahil ikaw na humahatol ay gumagawa rin ng ganoon.
I-explore Mga Taga-Roma 2:1
3
Mga Taga-Roma 2:11
sapagkat walang itinatangi ang Diyos.
I-explore Mga Taga-Roma 2:11
4
Mga Taga-Roma 2:13
Sapagkat hindi ang mga nakikinig sa Kautusan, kundi ang sumusunod dito, ang siyang pawawalang-sala ng Diyos.
I-explore Mga Taga-Roma 2:13
5
Mga Taga-Roma 2:6
Sapagkat igagawad niya sa lahat ng tao ang naaayon sa kanilang mga ginawa.
I-explore Mga Taga-Roma 2:6
6
Mga Taga-Roma 2:8
Ngunit matinding galit at poot ang sasapitin ng mga taong makasarili at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sa kasamaan.
I-explore Mga Taga-Roma 2:8
7
Mga Taga-Roma 2:5
Ngunit sa katigasan ng iyong ulo at di pagsisisi, lalo mong pinapabigat ang parusang igagawad sa iyo sa araw na iyon, kung kailan ihahayag ang poot at makatuwirang paghatol ng Diyos.
I-explore Mga Taga-Roma 2:5
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas