1
Mga Kawikaan 13:20
Ang Biblia
Lumalakad ka na kasama ng mga pantas na tao, at ikaw ay magiging pantas; nguni't ang kasama ng mga mangmang ay mapapariwara.
Paghambingin
I-explore Mga Kawikaan 13:20
2
Mga Kawikaan 13:3
Siyang nagiingat ng kaniyang bibig, nagiingat ng kaniyang buhay: nguni't siyang nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi ay magkakaroon ng kapahamakan.
I-explore Mga Kawikaan 13:3
3
Mga Kawikaan 13:24
Siyang naguurong ng kaniyang pamalo ay napopoot sa kaniyang anak: nguni't siyang umiibig ay nagpaparusang maminsan-minsan.
I-explore Mga Kawikaan 13:24
4
Mga Kawikaan 13:12
Ang pagasa na nagluluwat ay nagpapasakit ng puso: nguni't pagka ang nasa ay dumarating ay punong kahoy ng buhay.
I-explore Mga Kawikaan 13:12
5
Mga Kawikaan 13:6
Bumabantay ang katuwiran sa matuwid na lakad; nguni't inilulugmok ng kasamaan ang makasalanan.
I-explore Mga Kawikaan 13:6
6
Mga Kawikaan 13:11
Ang kayamanang tinangkilik sa walang kabuluhan ay huhupa: nguni't siyang nagpipisan sa paggawa ay mararagdagan.
I-explore Mga Kawikaan 13:11
7
Mga Kawikaan 13:10
Sa kapalaluan, ang dumarating ay pagtatalo lamang: nguni't ang karunungan ay nangasa nangaturuang maigi.
I-explore Mga Kawikaan 13:10
8
Mga Kawikaan 13:22
Ang mabuti ay nagiiwan ng mana sa mga anak ng kaniyang mga anak; at ang kayamanan ng makasalanan ay nalalagay na ukol sa matuwid.
I-explore Mga Kawikaan 13:22
9
Mga Kawikaan 13:1
Dinidinig ng pantas na anak ang turo ng kaniyang ama: nguni't hindi dinidinig ng mangduduwahagi ang saway.
I-explore Mga Kawikaan 13:1
10
Mga Kawikaan 13:18
Karalitaan at kahihiyan ang tatamuhin ng nagtatakuwil ng saway: nguni't siyang nakikinig ng saway ay magkakapuri.
I-explore Mga Kawikaan 13:18
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas