1
Mga Kawikaan 17:17
Ang Biblia
Ang kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at ang kapatid ay ipinanganak na ukol sa kasakunaan.
Paghambingin
I-explore Mga Kawikaan 17:17
2
Mga Kawikaan 17:22
Ang masayang puso ay mabuting kagamutan: nguni't ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto.
I-explore Mga Kawikaan 17:22
3
Mga Kawikaan 17:9
Ang nagtatakip ng pagsalangsang ay humahanap ng pagibig: nguni't ang nagdadadaldal tungkol sa anoman ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik.
I-explore Mga Kawikaan 17:9
4
Mga Kawikaan 17:27
Siyang nagtitipid ng kaniyang mga salita ay may kaalaman: at siyang may diwang malamig ay taong naguunawa.
I-explore Mga Kawikaan 17:27
5
Mga Kawikaan 17:28
Ang mangmang man, pagka siya'y tumatahimik, ay nabibilang na pantas: pagka kaniyang tinitikom ang kaniyang mga labi, ay inaari siyang mabait.
I-explore Mga Kawikaan 17:28
6
Mga Kawikaan 17:1
Maigi ang isang tuyong subo at may katahimikan, kay sa bahay na may laging pistahan na may kaalitan.
I-explore Mga Kawikaan 17:1
7
Mga Kawikaan 17:14
Ang pasimula ng pagkakaalit ay gaya ng pagbuga ng tubig: kaya't iwan ninyo ang pagtatalo, bago maginit sa pagkakaalit.
I-explore Mga Kawikaan 17:14
8
Mga Kawikaan 17:15
Siya na umaaring ganap sa masama, at siya na nagpaparusa sa matuwid, kapuwa sila kasuklamsuklam sa Panginoon.
I-explore Mga Kawikaan 17:15
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas