1
I TIMOTEO 3:16
Ang Biblia, 2001
Walang pag-aalinlangan, dakila ang hiwaga ng kabanalan: Siyang nahayag sa laman, pinatunayang matuwid sa espiritu, nakita ng mga anghel, ipinangaral sa mga bansa, sinampalatayanan sa sanlibutan, tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian.
Paghambingin
I-explore I TIMOTEO 3:16
2
I TIMOTEO 3:2
Kailangan na ang obispo ay walang kapintasan, asawa ng isang babae, mapagpigil, matino ang pag-iisip, kagalang-galang, mapagpatuloy ng panauhin, mahusay magturo
I-explore I TIMOTEO 3:2
3
I TIMOTEO 3:4
Dapat ay pinamamahalaan niyang mabuti ang kanyang sariling sambahayan, sinusupil ang kanyang mga anak, at may lubos na paggalang.
I-explore I TIMOTEO 3:4
4
I TIMOTEO 3:12-13
Ang mga diakono ay dapat na may tig-iisang asawa lamang, at pinamamahalaang mabuti ang kanilang mga anak at ang kanilang sariling mga sambahayan. Sapagkat ang mga nakapaglingkod nang mabuti bilang mga diakono ay nagtatamo para sa kanilang sarili ng isang mabuting katayuan, at ng malaking pagtitiwala sa pananampalataya kay Cristo Jesus.
I-explore I TIMOTEO 3:12-13
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas