1
I TIMOTEO 6:12
Ang Biblia, 2001
Makipaglaban ka sa mabuting pakikipaglaban ng pananampalataya, panghawakan mo ang buhay na walang hanggan na dito'y tinawag ka, at ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming mga saksi.
Paghambingin
I-explore I TIMOTEO 6:12
2
I TIMOTEO 6:10
Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na ang ilang nagnasa rito ay napalayo sa pananampalataya at tinusok ang kanilang mga sarili ng maraming kalungkutan.
I-explore I TIMOTEO 6:10
3
I TIMOTEO 6:6
Subalit ang kabanalan na may kasiyahan ay malaking pakinabang.
I-explore I TIMOTEO 6:6
4
I TIMOTEO 6:7
Sapagkat wala tayong dinalang anuman sa sanlibutan, at wala rin naman tayong mailalabas na anuman
I-explore I TIMOTEO 6:7
5
I TIMOTEO 6:17
Ang mayayaman sa sanlibutang ito ay atasan mo na huwag magmataas ni huwag umasa sa mga kayamanang hindi tiyak, kundi sa Diyos na nagbibigay sa atin ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan.
I-explore I TIMOTEO 6:17
6
I TIMOTEO 6:9
Ngunit ang mga nagnanais yumaman ay nahuhulog sa tukso, at nabibitag sa maraming hangal at nakapipinsalang pagnanasa, na siyang naglulubog sa mga tao sa pagkawasak at kapahamakan.
I-explore I TIMOTEO 6:9
7
I TIMOTEO 6:18-19
Dapat silang gumawa ng mabuti, maging mayaman sa mabubuting gawa, bukas ang palad at handang mamahagi, sa gayo'y magtitipon sila para sa kanilang sarili ng isang mabuting saligan para sa hinaharap upang sila'y makapanghawak sa tunay na buhay.
I-explore I TIMOTEO 6:18-19
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas