Ganito ang sabi ng PANGINOON:
“Dahil sa tatlong pagsuway ng Juda,
at dahil sa apat, hindi ko pawawalang-bisa ang parusa,
sapagkat kanilang itinakuwil ang kautusan ng PANGINOON,
at hindi iningatan ang kanyang mga tuntunin,
kundi iniligaw sila ng kanilang mga kasinungalingang
nilakaran din ng kanilang mga magulang.