1
ECLESIASTES 7:9
Ang Biblia, 2001
Huwag kang maging magagalitin, sapagkat ang galit ay naninirahan sa dibdib ng mga hangal.
Paghambingin
I-explore ECLESIASTES 7:9
2
ECLESIASTES 7:14
Sa araw ng kasaganaan ay magalak ka, at sa araw ng kahirapan ay magsaalang-alang ka. Ginawa ng Diyos ang isa pati ang isa pa, upang hindi malaman ng tao ang anumang bagay na darating pagkamatay niya.
I-explore ECLESIASTES 7:14
3
ECLESIASTES 7:8
Mas mabuti ang wakas ng isang bagay kaysa pasimula nito; ang matiising espiritu ay mas mabuti kaysa palalong espiritu.
I-explore ECLESIASTES 7:8
4
ECLESIASTES 7:20
Tunay na walang matuwid sa lupa, na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.
I-explore ECLESIASTES 7:20
5
ECLESIASTES 7:12
Sapagkat ang pag-iingat ng karunungan ay gaya ng pag-iingat ng salapi; at ang kalamangan ng kaalaman ay iniingatan ng karunungan ang buhay ng sa kanya'y may taglay.
I-explore ECLESIASTES 7:12
6
ECLESIASTES 7:1
Ang mabuting pangalan ay mas mabuti kaysa mamahaling pamahid, at ang araw ng kamatayan kaysa araw ng kapanganakan.
I-explore ECLESIASTES 7:1
7
ECLESIASTES 7:5
Mas mabuti ang makinig sa saway ng pantas, kaysa makinig sa awit ng mga hangal.
I-explore ECLESIASTES 7:5
8
ECLESIASTES 7:2
Mas mabuti pang magtungo sa bahay ng pagluluksa kaysa bahay ng pagdiriwang; sapagkat ito ang katapusan ng lahat ng mga tao; at ilalagak ito ng may buhay sa kanyang puso.
I-explore ECLESIASTES 7:2
9
ECLESIASTES 7:4
Ang puso ng pantas ay nasa bahay ng pagluluksa; ngunit ang puso ng mga hangal ay nasa bahay ng kasayahan.
I-explore ECLESIASTES 7:4
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas