1
EXODO 5:1
Ang Biblia, 2001
Pagkatapos nito, si Moises at si Aaron ay pumunta kay Faraon at sinabi, “Ganito ang sabi ng PANGINOON, ang Diyos ng Israel, ‘Hayaan mong umalis ang aking bayan upang magdiwang sila ng kapistahan sa ilang para sa akin.’”
Paghambingin
I-explore EXODO 5:1
2
EXODO 5:23
Mula nang ako'y pumaroon kay Faraon upang magsalita sa iyong pangalan ay kanyang ginawan ng kasamaan ang bayang ito at hindi mo man lamang iniligtas ang iyong bayan.”
I-explore EXODO 5:23
3
EXODO 5:22
Si Moises ay bumalik sa PANGINOON at nagsabi, “PANGINOON, bakit mo ginawan ng masama ang bayang ito? Bakit mo pa ako isinugo?
I-explore EXODO 5:22
4
EXODO 5:2
Ngunit sinabi ni Faraon, “Sino ang PANGINOON na aking papakinggan ang kanyang tinig, upang pahintulutan kong umalis ang Israel? Hindi ko kilala ang PANGINOON at saka hindi ko papahintulutang umalis ang Israel.”
I-explore EXODO 5:2
5
EXODO 5:8-9
Ngunit ang bilang ng mga tisa na kanilang dating ginagawa ay siya rin ninyong iaatang sa kanila. Wala kayong babawasin sapagkat sila'y mga tamad. Kaya't sila'y dumadaing na nagsasabi, ‘Hayaan mo kaming umalis at maghandog sa aming Diyos.’ Lalo ninyong pabigatin ang gawain ng mga lalaki upang kanilang pagpagalan at huwag nilang pansinin ang mga kabulaanang salita.”
I-explore EXODO 5:8-9
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas