1
GENESIS 17:1
Ang Biblia, 2001
Nang si Abram ay siyamnapu't siyam na taon, ang PANGINOON ay nagpakita kay Abram, at sa kanya'y nagsabi, “Ako ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat! Lumakad ka sa harapan ko, at maging walang kapintasan
Paghambingin
I-explore GENESIS 17:1
2
GENESIS 17:5
Ang pangalan mo ay hindi na tatawaging Abram, kundi Abraham ang magiging pangalan mo; sapagkat ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa.
I-explore GENESIS 17:5
3
GENESIS 17:7
Aking itatatag ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi kahit sa iyong pagkamatay sa buong lahi nila, isang tipang walang hanggan, upang maging Diyos mo at ng iyong binhi.
I-explore GENESIS 17:7
4
GENESIS 17:4
“Para sa akin, ito ang aking pakikipagtipan sa iyo: Ikaw ang magiging ama ng maraming bansa.
I-explore GENESIS 17:4
5
GENESIS 17:19
Sinabi ng Diyos, “Hindi! Ang iyong asawang si Sara ay tiyak na magkakaanak sa iyo, at tatawagin mo siya sa pangalang Isaac. Itatatag ko ang aking tipan sa kanya bilang isang walang hanggang tipan, at sa kanyang lahi pagkamatay niya.
I-explore GENESIS 17:19
6
GENESIS 17:8
At ibibigay ko sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo ang lupaing kung saan ka ngayon ay isang dayuhan, ang buong lupain ng Canaan bilang pag-aaring walang hanggan; at ako ang magiging Diyos nila.”
I-explore GENESIS 17:8
7
GENESIS 17:17
Nang magkagayo'y nagpatirapa at tumawa si Abraham, at sinabi sa kanyang sarili, “Magkakaanak pa kaya ang isang tao na isandaang taong gulang na? Manganak pa kaya si Sara na siyamnapung taong gulang na?”
I-explore GENESIS 17:17
8
GENESIS 17:15
At sinabi ng Diyos kay Abraham, “Tungkol kay Sarai na iyong asawa, huwag siyang tatawaging Sarai, kundi Sara ang magiging pangalan niya.
I-explore GENESIS 17:15
9
GENESIS 17:11
Inyong tutuliin ang balat ng inyong maselang bahagi, at ito ang magiging tanda ng aking tipan sa inyo.
I-explore GENESIS 17:11
10
GENESIS 17:21
Aking itatatag ang aking tipan kay Isaac na ipapanganak sa iyo ni Sara sa panahong ito sa taong darating.”
I-explore GENESIS 17:21
11
GENESIS 17:12-13
Sa inyong buong lahi, bawat lalaking may gulang na walong araw sa inyo ay tutuliin, maging ang aliping ipinanganak sa inyong bahay, o ang binili ng salapi sa sinumang taga-ibang lupa na hindi sa iyong lahi. Ang aliping ipinanganak sa bahay at ang binili ng iyong salapi ay dapat tuliin; at ang aking tipan ay makikita sa iyong laman bilang tipang walang hanggan.
I-explore GENESIS 17:12-13
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas