1
GENESIS 22:14
Ang Biblia, 2001
Kaya't tinawag ni Abraham ang lugar na iyon Yahweh-yireh. Kaya't sinasabi hanggang sa araw na ito: “Sa bundok ng PANGINOON ito ay ipagkakaloob.”
Paghambingin
I-explore GENESIS 22:14
2
GENESIS 22:2
At kanyang sinabi, “Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak na si Isaac, na iyong minamahal at pumunta ka sa lupain ng Moria. Ialay mo siya bilang handog na susunugin sa itaas ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo.”
I-explore GENESIS 22:2
3
GENESIS 22:12
At sa kanya'y sinabi, “Huwag mong sasaktan ang bata, o gawan man siya ng anuman, sapagkat ngayon ay nalalaman ko na ikaw ay may takot sa Diyos, at hindi mo ipinagkait sa akin ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak.”
I-explore GENESIS 22:12
4
GENESIS 22:8
Kaya't sinabi ni Abraham, “Anak ko, ang Diyos ang magkakaloob ng korderong handog na susunugin.” At sila'y umalis na magkasama.
I-explore GENESIS 22:8
5
GENESIS 22:17-18
tunay na pagpapalain kita, at pararamihin ko ang iyong binhi, na gaya ng mga bituin sa langit at mga buhangin sa baybayin ng dagat; at makakamit ng iyong binhi ang pintuang-bayan ng kanyang mga kaaway. At sa pamamagitan ng iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng bansa sa lupa, sapagkat sinunod mo ang aking tinig.”
I-explore GENESIS 22:17-18
6
GENESIS 22:1
Pagkatapos ng mga bagay na ito, sinubok ng Diyos si Abraham, at sinabi sa kanya, “Abraham,” at sinabi niya, “Narito ako.”
I-explore GENESIS 22:1
7
GENESIS 22:11
Ngunit tinawag siya ng anghel ng PANGINOON mula sa langit, at sinabi, “Abraham, Abraham.” At kanyang sinabi, “Narito ako.”
I-explore GENESIS 22:11
8
GENESIS 22:15-16
Mula sa langit ay muling tinawag ng anghel ng PANGINOON si Abraham. At sinabi niya, “Sumumpa ako sa aking sarili,” wika ng PANGINOON, “sapagkat ginawa mo ito at hindi mo ipinagkait sa akin ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak
I-explore GENESIS 22:15-16
9
GENESIS 22:9
At sila'y dumating sa lugar na sinabi sa kanya ng Diyos. Nagtayo roon si Abraham ng isang dambana, inayos ang kahoy, at tinalian si Isaac na kanyang anak at inilagay sa ibabaw ng kahoy na nasa ibabaw ng dambana.
I-explore GENESIS 22:9
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas