1
HEBREO 5:14
Ang Biblia, 2001
Ngunit ang pagkaing matigas ay para sa mga nasa hustong gulang, na dahil sa pagsasagawa ay nasanay ang kanilang mga pandama na makilala ang pagkakaiba ng mabuti at masama.
Paghambingin
I-explore HEBREO 5:14
2
HEBREO 5:12-13
Sapagkat bagaman sa panahong ito'y dapat na kayo'y mga guro na, kailangang muling may magturo sa inyo ng mga unang simulain ng aral ng Diyos. Kayo'y nangangailangan ng gatas, at hindi ng pagkaing matigas. Sapagkat bawat tumatanggap ng gatas ay walang alam sa salita ng katuwiran palibhasa'y isa siyang sanggol.
I-explore HEBREO 5:12-13
3
HEBREO 5:8-9
Bagama't siya'y isang Anak, siya'y natuto ng pagsunod sa pamamagitan ng mga bagay na kanyang tiniis, at nang maging sakdal, siya ang naging pinagmulan ng walang hanggang kaligtasan ng lahat ng mga sumusunod sa kanya
I-explore HEBREO 5:8-9
4
HEBREO 5:7
Sa mga araw ng kanyang buhay dito sa mundo, si Jesus ay naghandog ng mga panalangin at mga pakiusap na may malakas na pagtangis at pagluha sa may kapangyarihang magligtas sa kanya mula sa kamatayan, at siya'y pinakinggan dahil sa kanyang magalang na pagpapasakop.
I-explore HEBREO 5:7
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas