Kahabag-habag sila na sa Ehipto ay lumulusong upang humingi ng tulong,
at umaasa sa mga kabayo;
na nagtitiwala sa mga karwahe sapagkat marami sila,
at sa mga mangangabayo sapagkat napakalakas nila,
ngunit hindi sila nagtitiwala sa Banal ng Israel,
o sumasangguni man sa PANGINOON!