Inyong palakasin ang mahihinang kamay,
at patatagin ang mahihinang tuhod.
Inyong sabihin sa kanila na may matatakuting puso,
“Kayo'y magpakatapang, huwag kayong matakot!
Narito, tingnan mo, ang inyong Diyos
ay darating na may paghihiganti,
na may ganti ng Diyos.
Siya'y darating at ililigtas kayo.”