1
ISAIAS 53:5
Ang Biblia, 2001
Ngunit siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsuway, siya'y binugbog dahil sa ating mga kasamaan; ipinataw sa kanya ang parusa para sa ating kapayapaan, at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo.
Paghambingin
I-explore ISAIAS 53:5
2
ISAIAS 53:6
Tayong lahat ay gaya ng mga tupang naligaw; bawat isa sa atin ay lumihis sa kanyang sariling daan; at ipinasan sa kanya ng PANGINOON ang lahat nating kasamaan.
I-explore ISAIAS 53:6
3
ISAIAS 53:4
Tunay na kanyang pinasan ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kalungkutan; gayunma'y ating itinuring siya na hinampas, sinaktan ng Diyos at pinahirapan.
I-explore ISAIAS 53:4
4
ISAIAS 53:3
Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong nagdurusa, at sanay sa kalungkutan; at gaya ng isa na pinagkublihan ng mukha ng mga tao, siya'y hinamak, at hindi natin siya pinahalagahan.
I-explore ISAIAS 53:3
5
ISAIAS 53:7
Siya'y inapi, at siya'y sinaktan, gayunma'y hindi niya ibinuka ang kanyang bibig; gaya ng kordero na dinadala sa katayan, at gaya ng tupa na sa harapan ng mga manggugupit sa kanya ay pipi, kaya't hindi niya ibinuka ang kanyang bibig.
I-explore ISAIAS 53:7
6
ISAIAS 53:10
Gayunma'y kinalugdan ng PANGINOON na mabugbog siya; kanyang inilagay siya sa pagdaramdam; kapag gagawin niya ang kanyang kaluluwa bilang handog pangkasalanan, makikita niya ang kanyang supling, pahahabain niya ang kanyang mga araw; at ang kalooban ng PANGINOON ay uunlad sa kanyang kamay.
I-explore ISAIAS 53:10
7
ISAIAS 53:2
Sapagkat siya'y tumubo sa harapan niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa. Siya'y walang anyo o kagandahan man na dapat nating pagmasdan siya, at walang kagandahan na maiibigan natin sa kanya.
I-explore ISAIAS 53:2
8
ISAIAS 53:12
Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kanyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagkat kanyang ibinuhos ang kanyang kaluluwa sa kamatayan, at ibinilang na kasama ng mga lumalabag; gayunma'y pinasan niya ang kasalanan ng marami, at namagitan para sa mga lumalabag.
I-explore ISAIAS 53:12
9
ISAIAS 53:11
Kanyang makikita ang bunga ng paghihirap ng kanyang kaluluwa, at masisiyahan sa pamamagitan ng kanyang kaalaman. Aariing-ganap ng matuwid kong lingkod ang marami, at papasanin niya ang kanilang mga kasamaan.
I-explore ISAIAS 53:11
10
ISAIAS 53:8
Sa pamamagitan ng pang-aapi at paghatol ay inilayo siya; at tungkol sa kanyang salinlahi, na itinuring na siya'y itiniwalag sa lupain ng mga buháy, at sinaktan dahil sa pagsalangsang ng aking bayan.
I-explore ISAIAS 53:8
11
ISAIAS 53:9
At ginawa nila ang kanyang libingan na kasama ng masasama, at kasama ng isang lalaking mayaman sa kanyang kamatayan; bagaman hindi siya gumawa ng karahasan, o walang anumang pandaraya sa kanyang bibig.
I-explore ISAIAS 53:9
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas