Sapagkat ganito ang sabi ng Mataas at Matayog
na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal:
“Ako'y naninirahan sa mataas at banal na dako,
at gayundin sa may pagsisisi at mapagpakumbabang-loob,
upang buhayin ang loob ng mapagpakumbaba,
at upang buhayin ang puso ng may pagsisisi.
Sapagkat hindi ako makikipagtalo magpakailanman,
o magagalit man akong lagi;
sapagkat ang espiritu ay manlulupaypay sa harap ko,
at ang mga kaluluwa na aking ginawa.