1
MATEO 18:20
Ang Biblia, 2001
Sapagkat kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila.”
Paghambingin
I-explore MATEO 18:20
2
MATEO 18:19
Sinasabi ko rin naman sa inyo, na kapag nagkasundo ang dalawa sa inyo sa lupa tungkol sa anumang bagay na kanilang hinihiling ay gagawin para sa kanila ng aking Ama na nasa langit.
I-explore MATEO 18:19
3
MATEO 18:2-3
Tinawag niya ang isang maliit na bata at inilagay sa gitna nila. Sinabi niya, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, malibang kayo'y magbago at maging tulad sa mga bata, kailanma'y hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.
I-explore MATEO 18:2-3
4
MATEO 18:4
Sinumang magpakumbaba nang tulad sa batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.
I-explore MATEO 18:4
5
MATEO 18:5
At sinumang tumanggap sa isang batang ganito sa aking pangalan ay tumatanggap sa akin.
I-explore MATEO 18:5
6
MATEO 18:18
Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na anumang inyong talian sa lupa ay yaong tatalian sa langit; at anumang inyong kalagan sa lupa ay yaong kakalagan sa langit.
I-explore MATEO 18:18
7
MATEO 18:35
Gayundin naman ang gagawin sa bawat isa sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo taos-pusong patatawarin ang inyong kapatid.”
I-explore MATEO 18:35
8
MATEO 18:6
“Ngunit sinumang maglagay ng batong katitisuran sa isa sa maliliit na ito na sumasampalataya sa akin, ay mas mabuti pa sa kanya na bitinan ang kanyang leeg ng isang malaking batong gilingan, at siya'y malunod sa kalaliman ng dagat.
I-explore MATEO 18:6
9
MATEO 18:12
Ano sa palagay ninyo? Kung ang isang tao ay may sandaang tupa, at isa sa kanila ay naligaw. Hindi ba niya iiwan ang siyamnapu't siyam sa kabundukan, at hahayo upang hanapin ang naligaw?
I-explore MATEO 18:12
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas