Ang mga kawikaan ni Solomon na anak ni David, hari ng Israel:
Upang ang tao ay matuto ng karunungan at pangaral,
upang ang mga salita ng pagkaunawa ay malaman,
upang tumanggap ng turo sa matalinong pamumuhay,
sa katuwiran, katarungan, at pagkakapantay-pantay,
upang mabigyan ng talino ang walang muwang
kaalaman at mabuting pagpapasiya sa kabataan