1
MGA KAWIKAAN 17:17
Ang Biblia, 2001
Ang kaibigan sa lahat ng panahon ay nagmamahal, at ang isang kapatid ay ipinanganak para sa kagipitan.
Paghambingin
I-explore MGA KAWIKAAN 17:17
2
MGA KAWIKAAN 17:22
Isang mabuting gamot ang masayang puso, ngunit ang bagbag na diwa, sa mga buto'y tumutuyo.
I-explore MGA KAWIKAAN 17:22
3
MGA KAWIKAAN 17:9
Ang nagpapatawad ng kasalanan ay humahanap ng pagmamahalan, ngunit ang nagpapaulit-ulit sa usapin ay naghihiwalay ng magkakaibigan.
I-explore MGA KAWIKAAN 17:9
4
MGA KAWIKAAN 17:27
Siyang pumipigil ng kanyang mga salita ay may kaalaman, at siyang may diwang malamig ay taong may kaunawaan.
I-explore MGA KAWIKAAN 17:27
5
MGA KAWIKAAN 17:28
Maging ang hangal kapag tumatahimik ay maituturing na marunong, inaari siyang matalino, kapag mga labi niya'y itinitikom.
I-explore MGA KAWIKAAN 17:28
6
MGA KAWIKAAN 17:1
Mas mabuti ang isang tuyong tinapay na may katahimikan, kaysa bahay na punô ng pistahan ngunit may kaguluhan.
I-explore MGA KAWIKAAN 17:1
7
MGA KAWIKAAN 17:14
Gaya ng pagpapalabas ng tubig ang pasimula ng alitan, kaya't huminto na bago sumabog ang away.
I-explore MGA KAWIKAAN 17:14
8
MGA KAWIKAAN 17:15
Siyang nagpapawalang-sala sa masama, at siyang nagpaparusa sa matuwid, ay kapwa kasuklamsuklam sa PANGINOON.
I-explore MGA KAWIKAAN 17:15
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas