1
MGA TAGA ROMA 12:2
Ang Biblia, 2001
Huwag ninyong tularan ang sanlibutang ito; kundi magbago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti, kasiya-siya, at lubos na kalooban ng Diyos.
Paghambingin
I-explore MGA TAGA ROMA 12:2
2
MGA TAGA ROMA 12:1
Kaya nga, mga kapatid, isinasamo ko sa inyo, alang-alang sa mga kahabagan ng Diyos, na inyong ialay ang inyong mga katawan na isang handog na buháy, banal, na kasiya-siya sa Diyos, na siya ninyong makatuwirang paglilingkod.
I-explore MGA TAGA ROMA 12:1
3
MGA TAGA ROMA 12:12
Magalak kayo sa pag-asa, maging matiisin sa kapighatian, matiyaga sa pananalangin.
I-explore MGA TAGA ROMA 12:12
4
MGA TAGA ROMA 12:21
Huwag kang padaig sa masama, kundi daigin mo ng mabuti ang masama.
I-explore MGA TAGA ROMA 12:21
5
MGA TAGA ROMA 12:10
Magmahalan kayo na may pag-ibig bilang magkakapatid; sa pagpaparangal sa iba ay mag-unahan kayo
I-explore MGA TAGA ROMA 12:10
6
MGA TAGA ROMA 12:9
Ang pag-ibig ay maging walang pagkukunwari. Kapootan ninyo ang masama; panghawakan ang mabuti.
I-explore MGA TAGA ROMA 12:9
7
MGA TAGA ROMA 12:18
Kung maaari, hanggang sa inyong makakaya, ay makipamuhay kayo nang mapayapa sa lahat ng mga tao.
I-explore MGA TAGA ROMA 12:18
8
MGA TAGA ROMA 12:19
Mga minamahal, huwag ninyong ipaghiganti ang inyong sarili, kundi ipaubaya iyon sa galit ng Diyos; sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”
I-explore MGA TAGA ROMA 12:19
9
MGA TAGA ROMA 12:11
huwag maging tamad sa pagsisikap, maging maalab sa espiritu, na naglilingkod sa Panginoon.
I-explore MGA TAGA ROMA 12:11
10
MGA TAGA ROMA 12:3
Sapagkat sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na ibinigay sa akin, na ang bawat isa sa inyo ay huwag mag-isip sa kanyang sarili nang higit kaysa nararapat niyang isipin; kundi mag-isip nang may katinuan, ayon sa sukat ng pananampalataya na ipinamahagi ng Diyos sa bawat isa.
I-explore MGA TAGA ROMA 12:3
11
MGA TAGA ROMA 12:17
Huwag ninyong gantihan ang sinuman ng masama sa masama. Isipin ninyo ang mga bagay na kapuri-puri sa harapan ng lahat ng mga tao.
I-explore MGA TAGA ROMA 12:17
12
MGA TAGA ROMA 12:16
Magkaisa kayo ng pag-iisip. Huwag ninyong ituon ang inyong pag-iisip sa mga palalong bagay, kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan. Huwag kayong magmagaling sa inyong mga sarili.
I-explore MGA TAGA ROMA 12:16
13
MGA TAGA ROMA 12:20
Kaya't “kung ang iyong kaaway ay magutom, pakainin mo; kung siya'y mauhaw, painumin mo; sapagkat sa paggawa mo ng ganito ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kanyang ulo.”
I-explore MGA TAGA ROMA 12:20
14
MGA TAGA ROMA 12:14-15
Pagpalain ninyo ang mga umuusig sa inyo; pagpalain ninyo, at huwag ninyong sumpain. Makigalak kayo sa mga nagagalak; makiiyak kayo sa mga umiiyak.
I-explore MGA TAGA ROMA 12:14-15
15
MGA TAGA ROMA 12:13
Magbigay sa mga pangangailangan ng mga banal at magmagandang-loob sa mga dayuhan.
I-explore MGA TAGA ROMA 12:13
16
MGA TAGA ROMA 12:4-5
Sapagkat kung paanong sa isang katawan ay mayroon tayong maraming mga bahagi, at ang mga bahagi ay hindi magkakatulad ang gawain; kaya't tayo na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga bahagi na sama-sama sa isa't isa.
I-explore MGA TAGA ROMA 12:4-5
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas