1
MGA TAGA ROMA 3:23-24
Ang Biblia, 2001
yamang ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos; sila ngayon ay itinuturing na ganap ng kanyang biyaya bilang kaloob sa pamamagitan ng pagtubos na na kay Cristo Jesus
Paghambingin
I-explore MGA TAGA ROMA 3:23-24
2
MGA TAGA ROMA 3:22
ang pagiging matuwid ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo sa lahat ng mga sumasampalataya. Sapagkat walang pagkakaiba
I-explore MGA TAGA ROMA 3:22
3
MGA TAGA ROMA 3:25-26
na siyang inialay ng Diyos bilang handog na pantubos sa pamamagitan ng kanyang dugo na mabisa sa pamamagitan ng pananampalataya. Ito ay kanyang ginawa upang maipakita ang pagiging matuwid ng Diyos, sapagkat sa kanyang banal na pagtitiis ay kanyang pinalampas ang mga kasalanang nagawa sa nakaraan; upang mapatunayan sa panahong kasalukuyan na siya'y matuwid at upang siya'y maging ganap at taga-aring-ganap sa taong mayroong pananampalataya kay Jesus.
I-explore MGA TAGA ROMA 3:25-26
4
MGA TAGA ROMA 3:20
Sapagkat sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay “walang tao na ituturing na ganap sa paningin niya,” sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.
I-explore MGA TAGA ROMA 3:20
5
MGA TAGA ROMA 3:10-12
gaya ng nasusulat, “Walang matuwid, wala, wala kahit isa; wala ni isang nakakaunawa, wala ni isang humahanap sa Diyos. Lahat ay lumihis, sama-sama silang nawalan ng kabuluhan; walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.”
I-explore MGA TAGA ROMA 3:10-12
6
MGA TAGA ROMA 3:28
Sapagkat pinaninindigan natin na ang tao ay itinuturing na ganap sa pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan.
I-explore MGA TAGA ROMA 3:28
7
MGA TAGA ROMA 3:4
Huwag nawang mangyari! Hayaang ang Diyos ay maging tapat, kahit na ang bawat tao'y sinungaling, gaya ng nasusulat, “Upang ikaw ay ariing-ganap sa iyong mga salita, at magtagumpay ka kapag ikaw ay hinatulan.”
I-explore MGA TAGA ROMA 3:4
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas