Ang iyong mga salita ay nagsialalay sa nangabubuwal,
At iyong pinalakas ang mahinang mga tuhod.
Nguni't ngayo'y dinaratnan ka ng kasamaan, at ikaw ay nanglulupaypay;
Ginagalaw ka, at ikaw ay nababagabag.
Hindi ba ang iyong takot sa Dios ay ang iyong tiwala,
At ang iyong pagasa ay ang pagtatapat ng iyong mga lakad?