1
Juan 1:12
Magandang Balita Biblia
Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos.
Paghambingin
I-explore Juan 1:12
2
Juan 1:1
Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.
I-explore Juan 1:1
3
Juan 1:5
Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.
I-explore Juan 1:5
4
Juan 1:14
Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.
I-explore Juan 1:14
5
Juan 1:3-4
Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Nasa kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan.
I-explore Juan 1:3-4
6
Juan 1:29
Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, “Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
I-explore Juan 1:29
7
Juan 1:10-11
Dumating ang Salita sa sanlibutan ngunit hindi siya kinilala ng sanlibutang ito na nilikha sa pamamagitan niya. Pumunta siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng sarili niyang kababayan.
I-explore Juan 1:10-11
8
Juan 1:9
Ito ang tunay na ilaw: dumarating ito sa sanlibutan upang magbigay liwanag sa lahat ng tao.
I-explore Juan 1:9
9
Juan 1:17
Ibinigay ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises; ngunit dumating ang kagandahang-loob at katotohanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.
I-explore Juan 1:17
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas