1
Ang Mangangaral 5:2
Magandang Balita Bible (Revised)
Huwag kang pabigla-bigla sa pananalangin. Isipin mo munang mabuti ang ipapangako mo sa kanya sapagkat nasa langit siya at ikaw ay nasa lupa. Mag-ingat ka sa pagsasalita.
Paghambingin
I-explore Ang Mangangaral 5:2
2
Ang Mangangaral 5:19
Ganoon din ang dapat gawin ng lahat ng niloob ng Diyos na yumaman: tanggapin ang kanilang bahagi at pakinabangan ang bunga ng kanyang pinagpaguran sapagkat ito ay kaloob ng Diyos.
I-explore Ang Mangangaral 5:19
3
Ang Mangangaral 5:10
Ang gahaman sa salapi ay walang kasiyahan at ang sakim sa kayamanan ay hindi masisiyahan sa kaunting pakinabang. Ngunit ito man ay walang kabuluhan.
I-explore Ang Mangangaral 5:10
4
Ang Mangangaral 5:1
Mag-ingat ka sa pagpasok sa bahay ng Diyos. Ang pagsunod ay mabuti kaysa handog ng isang mangmang sapagkat hindi alam ng mangmang kung ano ang mabuti't masama.
I-explore Ang Mangangaral 5:1
5
Ang Mangangaral 5:4
Kung mangangako ka sa Diyos, tuparin ito agad; hindi siya nalulugod sa taong mangmang. Kaya tuparin mo ang iyong pangako sa kanya.
I-explore Ang Mangangaral 5:4
6
Ang Mangangaral 5:5
Mabuti pang huwag ka nang mangako kaysa mangangako at hindi mo tutuparin.
I-explore Ang Mangangaral 5:5
7
Ang Mangangaral 5:12
Mahimbing ang tulog ng isang manggagawa, marami man o kaunti ang kanyang pagkain. Ngunit ang mayaman ay hindi man lamang dalawin ng antok.
I-explore Ang Mangangaral 5:12
8
Ang Mangangaral 5:15
Kung paanong tayo'y walang dala nang isilang dito sa daigdig, wala rin tayong madadala pagpanaw natin. Wala tayong madadalang anuman sa ating pinagpaguran.
I-explore Ang Mangangaral 5:15
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas