Ngunit maliligtas kayo kung tama ang sinasabi ninyo at ginagawa.
Huwag ninyong gagamitin ang inyong kapangyarihan para apihin ang mahihirap;
huwag kayong tatanggap ng suhol;
huwag kayong makikiisa sa mga mamamatay-tao;
o sa mga gumagawa ng kasamaan.
Sa gayon, magiging ligtas kayo,
parang nasa loob ng matibay na tanggulan.
Hindi kayo mawawalan ng pagkain at inumin.