1 Cronica 27
27
Ang mga Opisyal ng mga Sundalo
1Ito ang listahan ng mga pinuno, mga kumander, at mga opisyal ng mga Israelita na naglilingkod sa hari bilang tagapangasiwa sa grupo ng mga sundalong naglilingkod ng isang buwan sa bawat taon. Ang bawat grupo ay may 24,000 sundalo.
2Si Jashobeam na anak ni Zabdiel ang kumander ng mga sundalo sa unang buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya. 3Mula siya sa angkan ni Perez at pinuno ng lahat ng opisyal ng mga sundalo tuwing unang buwan.
4Si Dodai na mula sa angkan ni Ahoa ang kumander ng mga sundalo sa ikalawang buwan. May 24,000 siyang sundalo. Si Miklot ang pinakamataas na opisyal sa grupo niya.
5Si Benaya na anak ng paring si Jehoyada, ang kumander ng mga sundalo sa ikatlong buwan. May 24,000 siyang sundalo sa kanyang grupo. 6Siya ang Benaya na matapang na pinuno ng 30 matatapang na tauhan ni David. Ang anak niyang si Amizabad ang pinakamataas na opisyal sa grupo niya.
7Si Asahel na kapatid ni Joab ang kumander ng sundalo sa ikaapat na buwan. Ang anak niyang si Zebadia ang pumalit sa kanya. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
8Si Shamut#27:8 Shamut: o, Shama. na mula sa angkan ni Izra ang kumander sa ikalimang buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
9Si Ira na anak ni Ikkes na mula sa Tekoa ang kumander ng mga sundalo sa ikaanim na buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
10Si Helez na taga-Pelon na lahi ni Efraim ang kumander ng mga sundalo sa ikapitong buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
11Si Sibecai na taga-Husha na mula sa angkan ni Zera ang kumander ng mga sundalo sa ikawalong buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
12Si Abiezer na taga-Anatot na mula sa lahi ni Benjamin ang kumander sa ikasiyam na buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
13Si Maharai na taga-Netofa na mula sa angkan ni Zera ang kumander ng mga sundalo sa ikasampung buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
14Si Benaya na taga-Piraton na mula sa lahi ni Efraim ang kumander ng mga sundalo sa ika-11 buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
15Si Heldai#27:15 Heldai: o, Heled. na taga-Netofa na mula sa angkan ni Otniel ang kumander ng mga sundalo sa ika-12 buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
Ang mga Pinuno ng mga Angkan ng Israel
16Ito ang mga opisyal ng lahi ng Israel:
Sa lahi ni Reuben: si Eliezer na anak ni Zicri.
Sa lahi ni Simeon: si Shefatia na anak ni Maaca.
17Sa lahi ni Levi: si Hashabia na anak ni Kemuel.
Sa angkan ni Aaron: si Zadok.
18Sa lahi ni Juda: si Elihu na kapatid ni David.
Sa lahi ni Isacar: si Omri na anak ni Micael.
19Sa lahi ni Zebulun: si Ishmaya na anak ni Obadias.
Sa lahi ni Naftali: si Jeremot na anak ni Azriel.
20Sa lahi ni Efraim: si Hoshea na anak ni Azazia.
Sa kalahating lahi ni Manase: si Joel na anak ni Pedaya.
21Sa kalahati pang lahi ni Manase sa Gilead: si Iddo na anak ni Zacarias.
Sa lahi ni Benjamin: si Jaasiel na anak ni Abner.
22Sa lahi ni Dan: si Azarel na anak ni Jeroham.
Sila ang mga opisyal ng mga lahi ng Israel.
23Nang sinensus ni David ang mga tao, hindi niya isinama ang mga tao na wala pa sa edad na 20, dahil nangako ang Panginoon na pararamihin niya ang mga Israelita gaya ng mga bituin sa langit. 24Inumpisahan ni Joab na anak ni Zeruya ang pagsesensus sa mga tao pero hindi niya ito natapos dahil nagalit ang Dios sa pagsesensus na ito. Kaya ang kabuuang bilang ng mga Israelita ay hindi naitala sa listahan ni Haring David.
Ang mga Opisyal sa Kaharian
25Si Azmavet na anak ni Adiel ang namamahala sa mga bodega sa palasyo ng hari.
Si Jonatan na anak ni Uzia ang namamahala sa mga bodega sa mga distrito, bayan, baryo at sa mga tore.
26Si Ezri na anak ni Kelub ang namamahala sa mga nagtatrabaho sa bukid ng hari.
27Si Shimei na taga-Rama ang namamahala sa mga ubasan ng hari.
Si Zabdi na taga-Sefam ang namamahala ng mga produkto nito, ang bunga ng ubas at alak ng hari.
28Si Baal Hanan na taga-Geder ang namamahala ng mga puno ng olibo at sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran.#27:28 kaburulan sa kanluran: sa Hebreo, Shefela.
Si Joash ang namamahala sa mga bodega ng langis ng olibo.
29Si Sitrai na taga-Sharon ang namamahala ng mga kawan ng hayop na pinapastol sa Sharon.
Si Shafat na anak ni Adlai ang namamahala ng mga kawan ng hayop sa mga lambak.
30Si Obil na Ishmaelita ang namamahala ng mga kamelyo.
Si Jedaya na taga-Meronot ang namamahala ng mga asno.
31Si Jaziz na Hagreo ang namamahala ng mga tupa.
Silang lahat ang mga opisyal na namamahala sa mga ari-arian ni Haring David.
32Si Jonatan na tiyuhin ni Haring David ang tagapayo niya. Isa siyang matalinong tao at manunulat. Si Jehiel na anak ni Hacmoni ang guro ng mga anak ng hari. 33Si Ahitofel ang isa pang tagapayo ng hari. Ang Arkeo na si Hushai ay malapit na kaibigan ng hari. 34Nang mamatay si Ahitofel, pinalitan siya ni Jehoyada na anak ni Benaya at ni Abiatar. Si Joab ang kumander ng mga sundalo ng hari.
Kasalukuyang Napili:
1 Cronica 27: ASND
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.

: