1 Cronica 3
3
Ang mga Anak na Lalaki ni David
1Ito ang mga anak na lalaki ni David na isinilang sa Hebron: Si Amnon ang panganay, na anak niya kay Ahinoam na taga-Jezreel. Si Daniel#3:1 Daniel: o, Kileab. ang pangalawa, na anak niya kay Abigail na taga-Carmel. 2Si Absalom ang pangatlo, na anak niya kay Maaca na anak na babae ni Haring Talmai ng Geshur. Si Adonia ang pang-apat, na anak niya kay Hagit. 3Si Shefatia ang panglima, na anak niya kay Abital. Si Itream ang pang-anim, na anak niya kay Egla. 4Silang anim ay isinilang sa Hebron, kung saan naghari si David sa loob ng pitong taon at anim na buwan.
Naghari si David sa Jerusalem sa loob ng 33 taon. 5At ito ang mga anak niyang lalaki na isinilang doon: si Shimea, Shobab, Natan at Solomon. Silang apat ang anak niya sa asawa niyang si Batsheba#3:5 Batsheba: o, Batshua. na anak ni Amiel. 6May siyam pa siyang anak na sina Ibhar, Elishua#3:6 Elishua: o, Elishama. Elifelet, 7Noga, Nefeg, Jafia, 8Elishama, Eliada at Elifelet. 9Iyon ang lahat ng mga anak na lalaki ni David, bukod sa iba pa niyang mga anak na lalaki sa iba pa niyang mga asawa. May anak din si David na babae na si Tamar.
Ang mga Hari ng Juda
10Ito ang angkan ni Solomon na naging hari: Rehoboam, Abijah, Asa, Jehoshafat, 11Jehoram,#3:11 Jehoram: o, Joram. Ahazia, Joash, 12Amazia, Azaria,#3:12 Azaria: o, Uzia. Jotam, 13Ahaz, Hezekia, Manase, 14Ammon at Josia.
15Ito ang mga anak ni Josia: Ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa ay si Jehoyakim, ang ikatlo ay si Zedekia, at ang ikaapat ay si Shalum. 16Ang pumalit kay Jehoyakim bilang hari ay si Jehoyakin#3:16 Jehoyakin: o, Jeconia. na kanyang anak. At ang pumalit kay Jehoyakin ay si Zedekia na kanyang tiyuhin.#3:16 tiyuhin: o, kapatid.
Ang Angkan ni Jehoyakin
17Ito ang angkan ni Jehoyakin, ang hari na binihag sa Babilonia: si Shealtiel, 18Malkiram, Pedaya, Shenazar, Jekamia, Hoshama at si Nedabia. 19Ang mga anak na lalaki ni Pedaya ay sina Zerubabel at Shimei. Ang mga anak na lalaki ni Zerubabel ay sina Meshulam at Hanania. Ang kapatid nilang babae ay si Shelomit. 20May lima pang anak na lalaki si Zerubabel na sina Hashuba, Ohel, Berekia, Hasadia at Jushab Hesed. 21Ang mga anak na lalaki ni Hanania ay sina Pelatia at Jeshaya. Si Jeshaya ang ama ni Refaya, si Refaya ang ama ni Arnan, si Arnan ang ama ni Obadias, at si Obadias ang ama ni Shecania. 22Ang angkan ni Shecania ay si Shemaya. Anim lahat ang anak ni Shemaya: sina Hatush, Igal, Baria, Nearia at Shafat. 23Tatlo lahat ang anak na lalaki ni Nearia: sina Elyoenai, Hizkia at Azrikam. 24Pito lahat ang anak na lalaki ni Elyoenai: sina Hodavia, Eliashib, Pelaya, Akub, Johanan, Delaya at Anani.
Kasalukuyang Napili:
1 Cronica 3: ASND
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.

: