1 Pedro 1:3-5
1 Pedro 1:3-5 ASD
Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo! Dahil sa dakilang awa niya sa atin, ipinanganak tayong muli sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesu-Kristo. Ito ang nagbibigay sa atin ng malaking pag-asa na may inihandang mana ang Diyos para sa atin. Ang pamanang itoʼy nasa langit, walang kapintasan, hindi nasisira, at hindi kumukupas. At sa pamamagitan ng pananampalataya nʼyo, iniingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos habang naghihintay kayo ng kaligtasan na nakalaang ihayag sa huling panahon.






