Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

1 Pedro 2:13-17

1 Pedro 2:13-17 ASD

Alang-alang sa Panginoon, magpasakop kayo sa lahat ng tagapamahala ng bayan, sa emperador man na siyang pinakamataas na kapangyarihan o sa mga gobernador na sinugo ng Diyos upang magparusa sa mga gumagawa ng masama at magparangal sa mga gumagawa ng mabuti. Sapagkat ito ang kalooban ng Diyos, na sa pamamagitan ng mabubuti ninyong gawa ay walang masabi ang mga hangal na walang alam sa katotohanan. Mamuhay kayo gaya ng malayang tao, ngunit huwag ninyong gamitin ang kalayaan para gumawa ng masama. Sa halip, mamuhay kayo bilang mga alipin ng Diyos. Igalang ninyo ang lahat ng tao at mahalin ang mga kapatid kay Kristo. Mamuhay kayong may takot sa Diyos, at igalang ninyo ang emperador.