2 Pedro 3:1-4
2 Pedro 3:1-4 ASD
Mga minamahal, pangalawang sulat ko na ito sa inyo. Sa mga sulat ko, sinikap kong gisingin ang kaisipan ninyo sa kabutihan, sa pamamagitan ng pagpapaalala sa inyo ng ilang bagay. Nais kong ipaalala sa inyo ang mga salita ng mga propeta ng Diyos noong una at ang utos na ibinigay sa inyo ng ating Panginoon at Tagapagligtas sa pamamagitan ng mga apostol na isinugo sa inyo. Una sa lahat, dapat ninyong maunawaang sa mga huling araw ay darating ang mga manlilibak, at pagtatawanan nila kayo habang sinusunod ang kanilang masasamang pagnanasa. Sasabihin nila, “Hindi baʼt nangako si Kristo na babalik siya? Nasaan na siya ngayon? Namatay na ang mga magulang namin ngunit wala pa ring pagbabago mula nang likhain ang mundo.”


