Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 20:16-25

Mga Gawa 20:16-25 ASD

Hindi kami dumaan sa Efeso, dahil ayaw ni Pablo na maglaan ng oras sa lalawigan ng Asia. Nagmamadali siya dahil gusto niyang makarating sa Jerusalem bago dumating ang Araw ng Pentecostes. Habang nasa Mileto si Pablo, may pinapunta siya sa Efeso para sabihin sa mga pinuno ng iglesya na makipagkita sa kanya. Pagdating nila, sinabi ni Pablo sa kanila, “Alam ninyo kung paano akong namuhay noong kasama pa ninyo ako, mula sa unang araw pa lang nang pagdating ko sa lalawigan ng Asia. Naglingkod ako sa Panginoon nang may pagpapakumbaba at pagluha sa gitna ng matinding pagsubok mula sa plano ng mga kalaban kong Hudyo. Alam din ninyong wala akong inilihim sa inyo sa aking pagtuturo tungkol sa mga bagay na para sa inyong ikakabuti, na itinuro ko sa publiko at sa bahay-bahay. Pinaalalahanan ko ang mga Hudyo at mga Hentil na kailangan nilang magsisi sa kanilang mga kasalanan at magbalik-loob sa Diyos, at sumampalataya sa ating Panginoong Hesus.” “Ngayon, pupunta ako sa Jerusalem dahil ito ang utos ng Espiritu sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin doon. Ang alam ko lang, kahit saang lungsod ako pumunta, pinapaalalahanan ako ng Banal na Espiritu na bilangguan at pag-uusig ang naghihintay sa akin. Ngunit hindi mahalaga sa akin kung ano man ang mangyayari sa aking buhay; nais ko lamang na matapos ang gawaing ibinigay sa akin ng Panginoong Hesus, na maipangaral ang Magandang Balita tungkol sa biyaya ng Diyos. “Napuntahan ko kayong lahat sa aking pangangaral tungkol sa kaharian ng Diyos, at ngayon alam kong hindi na tayo magkikita pang muli.