Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 24:14-16

Mga Gawa 24:14-16 ASD

Subalit, inaamin kong sinasamba ko ang Diyos ng aming mga ninuno bilang alagad ng Daan na itinuturing nilang kulto. Pinaniniwalaan ko ang lahat ng nakasaad sa Kautusan at sa isinulat ng mga Propeta. Ang pag-asa ko sa Diyos ay katulad din ng pag-asa nila, na ang lahat ng tao, mabuti man o masama, ay muli niyang bubuhayin. Kaya pinagsisikapan ko na laging maging malinis ang aking konsensiya sa harapan ng Diyos at ng mga tao.