Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 9:10-12

Mga Gawa 9:10-12 ASD

Doon sa Damasco ay may isang alagad na ang pangalan ay Ananias. Nagpakita sa kanya ang Panginoon sa isang pangitain at sinabi, “Ananias!” Sumagot siya, “Narito po ang inyong lingkod, Panginoon.” Sinabi ng Panginoon sa kanya, “Pumunta ka sa daang tinatawag na Matuwid, at doon sa bahay ni Judas ay hanapin mo ang taong taga-Tarso na ang pangalan ay Saulo. Nananalangin siya ngayon, at ipinakita ko sa kanya sa isang pangitain na pumasok ang isang lalaking nagngangalang Ananias sa kinaroroonan niya at ipinatong ang mga kamay sa kanya upang muli siyang makakita.”