Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 9:36-42

Mga Gawa 9:36-42 ASD

Sa lungsod naman ng Jopa ay may isang babaeng mananampalataya na ang pangalan ay Tabita (na sa Griyego ay Dorcas). Marami siyang nagawang mabuti lalong-lalo na sa mga dukha. Nagkataon noon na nagkasakit siya at namatay. Nilinis nila ang kanyang bangkay at ibinurol sa isang kuwarto sa itaas. Ang Jopa ay malapit lang sa Lida. Kaya nang mabalitaan ng mga alagad ni Hesus na si Pedro ay naroon sa Lida, inutusan nila ang dalawang tao na pakiusapan si Pedro na pumunta agad sa Jopa. Agad namang sumáma si Pedro sa kanila. Pagdating nila sa Jopa, dinala siya sa kuwarto kung saan nakaburol ang patay. May mga biyuda roon na umiiyak. Ipinakita nila kay Pedro ang mga damit na tinahi ni Dorcas noong nabubuhay pa siya. Pinalabas silang lahat ni Pedro sa kuwarto. Pagkatapos, lumuhod siya at nanalangin. Humarap siya sa bangkay at sinabi, “Tabita, bumangon ka!” Dumilat si Tabita, at pagkakita niya kay Pedro, naupo siya. Hinawakan siya ni Pedro sa kamay at tinulungang tumayo. Pagkatapos, tinawag ni Pedro ang mga biyuda at ang iba pang mga hinirang ng Diyos doon, at ipinakita sa kanila si Tabita na buháy na. Ang balitang itoʼy kumalat sa buong Jopa, at marami ang sumampalataya sa Panginoon.