Mga Taga-Colosas 3:12-17
Mga Taga-Colosas 3:12-17 ASD
Kaya bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Diyos, dapat kayong maging mapagmalasakit, mabuti ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis. Maging mapagparaya kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon. At higit sa lahat, pairalin ninyo ang pag-ibig na nagdudulot ng tunay na pagkakaisa. Paghariin ninyo sa mga puso nʼyo ang kapayapaan ni Kristo. Sapagkat bilang mga bahagi ng iisang katawan, tinawag kayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa. Dapat din kayong maging mapagpasalamat. Hayaan ninyong manahan nang lubusan sa inyong mga puso ang mga aral ni Kristo. Paalalahanan at turuan nʼyo ang isaʼt isa ayon sa karunungang kaloob ng Diyos. Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espirituwal na may pasasalamat sa Diyos sa mga puso ninyo. At anuman ang inyong gawin, sa salita man o sa gawa, gawin ninyo sa pangalan ng Panginoong Hesus nang may pasasalamat sa Diyos Ama sa pamamagitan niya.






