Daniel 6:4-5
Daniel 6:4-5 ASD
Dahil dito, ang dalawa pang kasama niyang administrador at mga gobernador ay naghanap ng kamalian sa pamamahala ni Daniel upang paratangan siya. Ngunit wala silang makita, dahil si Daniel ay tapat sa kanyang tungkulin at maaasahan. Kaya sinabi nila, “Wala tayong maipaparatang kay Daniel malibang makahanap tayo ng kasalanan na may kaugnayan sa kautusan ng kanyang Diyos.”


