Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Efeso 1:15-23

Mga Taga-Efeso 1:15-23 ASD

Kaya nga, mula nang mabalitaan ko ang pananampalataya ninyo sa ating Panginoong Hesus at ang pag-ibig ninyo sa lahat ng mga hinirang, walang tigil ang pasasalamat ko sa Diyos dahil sa inyo. At palagi ko kayong ipinapanalangin. Hinihiling ko sa Diyos ng ating Panginoong Hesu-Kristo, ang dakilang Ama, na bigyan niya kayo ng karunungan at pang-unawa mula sa Banal na Espiritu, upang lalo pa ninyo siyang makilala. Ipinapanalangin ko rin na maliwanagan ang inyong pusoʼt isipan upang maunawaan ninyo ang pag-asa na inilaan niya sa atin, ang napakahalaga at napakasaganang pagpapala na ipinangako niya sa mga hinirang. Ipinapanalangin ko rin na malaman ninyo ang napakadakilang kapangyarihan ng Diyos para sa ating mga sumasampalataya sa kanya. Ang lakas ng kapangyarihang ito ang ginamit niya nang buhayin niyang muli si Kristo at nang paupuin sa kanyang kanan sa langit. Kaya nasa ilalim ng kapangyarihan ni Kristo ang lahat ng naghahari at namamahala, mga namumuno at may kapangyarihan. Ang kanyang pangalan ay hindi mapapantayan ng anumang kinikilalang pangalan, hindi lang sa panahong ito kundi sa darating pang panahon. Ipinailalim ng Diyos sa paa ni Kristo ang lahat ng bagay, at ginawa siyang ulo ng lahat para sa ikabubuti ng iglesya na siyang katawan niya. Ang iglesya ay ang kabuuan ni Kristo na siyang bumubuo sa lahat.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Taga-Efeso 1:15-23