Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ester 5:1-4

Ester 5:1-4 ASD

Nang ikatlong araw, isinuot ni Ester ang kasuotan niyang pangreyna, at tumayo sa bulwagan ng palasyo na nakaharap sa trono ng hari. Nakaupo noon ang hari sa trono niya at nakaharap siya sa pintuan. Nang makita niya si Reyna Ester, natuwa siya at iniabot niya rito ang kanyang gintong setro. Kaya lumapit si Ester at hinipo ang dulo ng setro. Nagtanong ang hari sa kanya, “Ano ang kailangan mo Mahal na Reyna? Sabihin mo at ibibigay ko sa iyo kahit ang kalahati ng aking kaharian.” Sumagot si Ester, “Mahal na Hari, kung ibig po ninyo, inaanyayahan ko po kayo at si Haman sa piging na ihahanda ko para sa inyo.”