Exodus 19:1-5
Exodus 19:1-5 ASD
Sa unang araw ng ikatlong buwan mula nang lisanin ng mga Israelita ang Ehipto, nakarating sila sa ilang ng Sinai. Mula sa Refidim, nakarating sila sa ilang ng Sinai at nagkampo sa paanan ng bundok. Umakyat si Moises sa bundok upang makipagtagpo sa Diyos. Tinawag siya ng Panginoon doon sa bundok at sinabi, “Sabihin mo ito sa mga Israelita, sa mga lahi ni Jacob: ‘Nakita nʼyo mismo kung ano ang ginawa ko sa mga Ehipsiyo, at kung paano ko kayo dinala rito sa akin, katulad ng pagdadala ng agila sa mga inakay niya sa pamamagitan ng kanyang pakpak. Kung lubos ninyo akong susundin at tutuparin ang aking kasunduan, pipiliin ko kayo sa lahat ng bansa upang maging mga mamamayan ko. Akin ang buong mundo,

