Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Exodus 6:1-5

Exodus 6:1-5 ASD

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Makikita mo ngayon kung ano ang gagawin ko sa Faraon. Dahil sa kapangyarihan ko, papayagan niyang umalis kayo sa bayan niya. Itataboy pa nga niya kayo.” Sinabi pa ng Diyos kay Moises, “Ako ang Panginoon. Nagpakita ako kina Abraham, Isaac, at Jacob bilang Diyos na Makapangyarihan, pero hindi ko ipinakilala sa kanila ang pangalan kong Panginoon. Gumawa ako ng kasunduan sa kanila, na ibibigay ko sa kanila ang lupain ng Canaan kung saan sila nanirahan bilang mga dayuhan. Narinig ko ang hinaing ng mga Israelita na inaalipin ng mga Ehipsiyo at inalala ko ang aking kasunduan sa kanila.