Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Exodus 9:1-7

Exodus 9:1-7 ASD

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Puntahan mo ang Faraon at sabihin sa kanya, ‘Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng mga Hebreo: Paalisin mo ang aking mga mamamayan upang makasamba sila sa akin. Kung hindi mo sila paaalisin, padadalhan ko ng nakamamatay na sakit ang mga hayop mo na nasa bukid – kabayo, asno, kamelyo, baka, tupa at kambing. Hindi magiging pareho ang trato ko sa mga hayop ng mga Israelita at sa mga hayop ng mga Ehipsiyo, at walang mamamatay sa mga hayop ng mga Israelita.’ ” Itinakda ng Panginoon ang oras. Sabi niya, “Bukas ko ito gagawin sa lupaing ito.” At kinabukasan ay ginawa nga ng Panginoon ang sinabi niya. Namatay ang lahat ng alagang hayop ng mga Ehipsiyo, pero walang namatay ni isa man lang sa mga alagang hayop ng mga Israelita. Nagpadala ang Faraon ng mga tao at nalaman niya na walang namatay kahit isa sa mga hayop ng mga Israelita. Ngunit matigas pa rin ang puso niya at hindi pinaalis ang mga Israelita.