Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ezra 2

2
Ang Talaan ng mga Bumalik Mula sa Pagkabihag
(Neh. 7:4-73)
1Ang mga sumusunod ay ang mga Israelita sa probinsya ng Juda na binihag noon ni Haring Nebucadnezar at dinala sa Babilonia. Ngayon umalis na sila sa lugar na iyon at bumalik na sa Jerusalem at sa sarili nilang mga bayan sa Juda. 2Ang mga namuno sa pagbalik nila sa Jerusalem ay sina Zerubabel, Jeshua, Nehemias, Seraya, Reelaya, Mordecai, Bilshan, Mispar, Bigvai, Rehum, at Baana.
Ito ang talaan ng mga mamamayan ng Israel na bumalik mula sa pagkabihag:
3-20Mga angkan nina
Paros 2,172
Shefatia 372
Ara 775
Pahat Moab (mula sa mga pamilya nina Jeshua at Joab) 2,812
Elam 1,254
Zatu 945
Zacai 760
Bani 642
Bebai 623
Azgad 1,222
Adonikam 666
Bigvai 2,056
Adin 454
Ater (na tinatawag ding Hezekia)#2:3-20 na tinatawag ding Hezekia: o, mula sa pamilya ni Hezekia. 98
Bezai 323
Jora 112
Hashum 223
Gibar 95
21-35 Ito ang bilang ng mga tao na nakabalik mula sa pagkabihag, na ang mga ninuno ay nakatira sa mga sumusunod na bayan:
Betlehem 123
Netofa 56
Anatot 128
Azmavet 42
Kiriat Jearim, Kefira, at Beerot 743
Rama at Geba 621
Micmash 122
Betel at Ai 223
Nebo 52
Magbis 156
ang isa pang Elam 1,254
Harim 320
Lod, Hadid, at Ono 725
Jerico 345
Senaa 3,630
36-39 Ito ang mga angkan ng mga pari na bumalik mula sa pagkabihag:
Mga angkan nina
Jedaya (mula sa pamilya ni Jeshua) 973
Imer 1,052
Pashur 1,247
Harim 1,017
40-42 Ito ang mga angkan ng mga Levita na bumalik din mula sa pagkabihag:
Mga angkan nina Jeshua at Kadmiel (mula sa pamilya ni Hodavia) 74
Mga mang-aawit sa templo na mula sa angkan ni Asaf 128
Mga guwardya ng pintuanna mula sa angkan nina Shalum, Ater, Talmon, Akub, Hatita, at Shobai 139
43-54 Ito naman ang mga angkan ng mga utusan sa templo na bumalik din mula sa pagkabihag:
Mga angkan nina Ziha, Hasufa, Tabaot, Keros, Siaha, Padon, Lebana, Hagaba, Akub, Hagab, Shalmai, Hanan, Gidel, Gahar, Reaya, Rezin, Nekoda, Gazam, Uza, Pasea, Besai, Asna, Meunim, Nefusim, Bakbuk, Hakufa, Harhur, Bazlut, Mehida, Harsha, Barkos, Sisera, Tema, Nezia, at Hatifa.
55-57 Bumalik din mula sa pagkabihag ang mga angkan ng mga alipin ni Solomon:
Ang mga angkan nina Sotai, Hasoferet, Peruda, Jaala, Darkon, Gidel, Shefatia, Hatil, Pokeret Hazebaim, at Ami.
58Ang kabuuang bilang ng mga angkan ng mga utusan sa templo at mga angkan ng mga alipin ni Solomon ay 392.
59-60May 652 din na bumalik sa Juda mula sa mga bayan ng Tel Mela, Tel Harsha, Kerub, Adon, at Imer. Sila ang mga angkan nina Delaya, Tobia, at Nekoda, pero hindi nila mapatunayan na silaʼy talagang mga Israelita.
61Hindi rin mapatunayan ng mga angkan nina Hobaya, Hakoz at Barzilai na mga pari sila. (Nang nag-asawa si Barzilai, dinala niya ang pangalan ng biyenan niyang si Barzilai na taga-Gilead.) 62Dahil nga hindi nila makita ang talaan ng mga ninuno nila, hindi sila tinanggap na mga pari. 63Pinagbawalan sila ng gobernador ng Juda na kumain ng mga pagkaing inihandog sa Dios habang walang pari na sasangguni sa Panginoon tungkol sa pagkapari nila sa pamamagitan ng “Urim” at “Thummim”.#2:63 “Urim” at “Thummim”: Dalawang bagay na ginagamit sa pagkaalam ng kalooban ng Dios.
64-67Ang kabuuang bilang ng mga bumalik mula sa pagkabihag ay 42,360, maliban sa 7,337 na mga alipin nila, at 200 lalaki at babaeng mang-aawit. May dala silang 736 na mga kabayo, 245 mola,#2:64-67 mola: sa Ingles, “mule.” Hayop na parang kabayo. 435 kamelyo, at 6,720 asno. 68Pagdating nila sa templo ng Panginoon sa Jerusalem, ang ibang mga pinuno ng mga pamilya ay nagbigay ng kusang-loob na tulong sa muling pagpapatayo ng templo sa dati nitong pinagtayuan. 69Nagbigay sila ayon sa makakaya nila para sa gawaing ito. At ang kabuuang natipon nila ay mga 500 kilong ginto, mga 3,000 kilong pilak, at 100 pirasong kasuotan para sa mga pari. 70Ang bawat isa sa kanila ay bumalik sa kani-kanilang bayan, pati na ang mga pari, ang mga Levita, ang mga mang-aawit, ang mga guwardya ng mga pintuan ng templo, at ang mga utusan sa templo.

Kasalukuyang Napili:

Ezra 2: ASND

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in