Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Genesis 17:1-7

Genesis 17:1-7 ASD

Nang siyamnapuʼt siyam na taóng gulang si Abram, nagpakita sa kanya ang Panginoon at sinabi, “Ako ang Diyos na Makapangyarihan. Palagi kang maging matapat sa akin at mamuhay nang matuwid. Tutuparin ko ang kasunduan ko sa iyo; pararamihin ko ang mga lahi mo.” Nang marinig ito ni Abram, nagpatirapa siya. Sinabi ng Diyos sa kanya, “Sa ganang akin, ito ang aking kasunduan sa iyo: Magiging ama ka ng maraming bansa. Mula ngayon, hindi na Abram ang itatawag sa iyo kundi Abraham dahil gagawin kitang ama ng maraming bansa. Pararamihin ko ang mga lahi mo at magtatayo sila ng mga bansa, at ang iba sa kanila ay magiging hari. Tutuparin ko ang kasunduan ko sa iyo at sa mga lahi mo sa susunod mo pang mga henerasyon, at ako ang magiging Diyos nila. Ang kasunduang ito ay magpapatuloy magpakailanman.