Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Genesis 18:1-8

Genesis 18:1-8 ASD

Nagpakita ang Panginoon kay Abraham nang nakatira pa siya malapit sa malalaking puno ni Mamre. Mainit ang araw noon, at si Abraham ay nakaupo sa pintuan ng kanyang tolda. Habang nagmamasid siya, may nakita siyang tatlong lalaki na nakatayo sa di-kalayuan. Tumayo siya agad at dali-daling sumalubong sa kanila. Nagpatirapa siya sa kanila harapan. At sinabi, “Ginoo, kung maaari, tumuloy po muna kayo rito sa amin. Magpapakuha po ako ng tubig upang makapaghugas kayo ng mga paa ninyo at makapagpahinga sa lilim ng punongkahoy na ito. Kukuha rin ako ng pagkain para sa inyo upang may lakas po kayo sa inyong paglalakad. Ikinagagalak ko pong mapaglingkuran kayo habang nandito kayo sa amin.” At sumagot sila, “Sige, gawin mo kung ano ang sinabi mo.” Kaya nagmadaling pumasok si Abraham sa tolda at sinabi kay Sara, “Kumuha ka ng kalahating sako ng magandang klaseng harina at magluto ka ng tinapay. At bilisan mo ang pagluluto.” Tumakbo agad si Abraham papunta sa bakahan niya at pumili ng matabang guya. Ipinakatay at ipinaluto niya ito sa isa niyang alipin na nagmadaling naghanda nito. Pagkatapos, dinala niya ito sa mga panauhin niya, at nagdala rin siya ng keso at gatas. At habang kumakain sila sa ilalim ng punongkahoy, naroon din si Abraham na naglilingkod sa kanila.