Logo ng Bible App
Hanapin ang Icon

Genesis 31:1-7

Genesis 31:1-7 ASD

Narinig ni Jacob na ang mga anak na lalaki ni Laban ay nagsasabi, “Kinuha ni Jacob ang halos lahat ng ari-arian ng ating ama. Ang lahat ng kayamanan niya ay nanggaling sa ari-arian ng ating ama.” Napansin din ni Jacob na nag-iba na ang pakikitungo ni Laban sa kanya di tulad nang dati. Sinabi ng Panginoon kay Jacob, “Bumalik ka na sa lupain ng iyong mga ninuno, doon sa mga kamag-anak mo, at makakasama mo ako.” Kaya ipinatawag ni Jacob ang mga asawa niyang sina Raquel at Lea na naroon sa pastulan ng mga hayop niya. Sinabi niya sa kanila, “Napansin ko na nag-iba na ang pakikitungo ng inyong ama sa akin di tulad nang dati. Ngunit hindi ako pababayaan ng Diyos ng aking Ama. Alam naman ninyo na naglingkod ako sa inyong ama hanggang sa makakaya ko, ngunit dinaya pa niya ako. Sampung beses niyang binago ang kabayaran ko. Ngunit hindi ako pinabayaan ng Diyos na api-apihin lang niya.